Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ang Awit ng Aking Buhay

“Tonight we’ll stand, get on our knees, fight for what we’ve worked for all these years. And the battle was long, it’s the fight of our lives and we’ll stand up champions tonight.”

-       Change ni Taylor Swift


Kalungkutan, hirap pagkabigo. Ilan lamang sa mga bagay na aking pinilit pagtagumpayan. Paulit-ukit na pagkatalo. Dehado lagi sa labas atnoong iniisip nilang talon a ako ay bigla akong nagbago.

            Muling bumangon sa pagkadapa, lumaban at hindi natakot. At sa bandang huli ay nagtagumpay, kampeon hindi ng palaro kundi sa mga pagsubok sa buhay.

            Iyan ang awit ng aking buhay. Simple ngunit malaman. Dapat maging matapang upang manatiling buhat at upang magtagumpay. Mahirap man ang buhay, darating rin ang panahon na tayo naman ang kakanta dahil sa kaligayahan. Matitibag lahat ng hadlang na pader at muling sisikat ang araw para sa mabuting pagbabago.